Add parallel Print Page Options

10 Nang tumindig si Jesus ay wala siyang nakita maliban sa babae. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, nasaan ang mga nagsasakdal sa iyo? Wala bang humatol sa iyo?

11 Sinabi niya: Wala, Ginoo.

Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kahit ako man ay hindi hahatol sa iyo. Humayo ka at huwag nang magkasalang muli.

Tunay ang Patotoo ni Jesus

12 Nang magkagayon, nagsalitang muli si Jesus sa kanila. Sinabi niya: Ako ang ilaw ng sanlibutan. Siya na sumusunodsa akin ay hindi lalakad kailanman sa kadiliman. Siya ay magkakaroon ng ilaw ng buhay.

Read full chapter